Masaklap na katotohanan. Sa likod ng mga alipores mo nakatali ang isang kahiya-hiyang katotohanan. Katotohanan na walang nagmamalasakit sayo, wala kang tunay na kaibigan. Sige mag-litanaya ka ng mga taong dumamay sayo ng walang halong malisya, ganyan ba talaga dapat na tingnan ang pagakatao mo.
Natuklasan ko lang naman kais na kaya pala hindi mawala sa tabi mo ang dalawang batang ito ay dahil sa laki daw ng pagkaka-utang ng mga ito sayo.Gaano katotoo? Totoong-totoo ito dahil sa mismong source nito ay ang mga taong akala mo kaibigan mo. Pwes, magtapang-tapagnan ka ngayon na sabihin at ipagkalat sa lahat kung gaano ka kinahuhumalingan ng dalawang batang ito. Sapagkat hindi!! Hindi talaga!!! Paano mong naaatim na unahin ang kaligayahn ng iba, wala ka na bang ika-tutuwa man lang na kagandahan sa sarili mo? Pinabayaan mo na? Itsura mo pansin mo pa ba?
Mahirap na nga kapag naging bisyo mo na ang bagay na ito. Ang pera ang punot dulo ng pagiging hibang mo. Kapalit nito, ang mga kaibingang akala mo, kaibigan mo. Pano na lang kung iwan ka nila?