Super Pang-Azar

Ikaw nga ba ang ang Reyna dito?Nandun na ako,may malaki kayong mansyion,..Mansiyon,na sino ang nakasaksi..ganun nga siguro ang mga mayayaman, sa liblib na lugar nakatira,malayo sa gulo ng bayan.Hero ka ba?Hindi ba ikaw si ''Simba''?

Kung ikaw ang bida,bakit sila naiirita..Hindi ba dapat maraming natutuwa sayo.Hero,niligtas mo ang sarili mo sa singilan,sa ambagan sa utakan. Yan ang mga super Powers mo! Kaawa-awa,hindi sila kung hindi ikaw..sa totoo lang kung meron mang isang bagay na dapat na meron ka. Whole Body Mirror ang unang-unang bagay na meron ka. Hindi lang mukha ang tinitingnan,buong katawan ate.Sa lago ng buhok mo,hindi magkasya sa salaming,mukha lang ang parating pinagtutuunan ng pansin.


Irita ka na ha,hindi na natuto ng minsang mamaga ang iyung ulo,Hindi kaya ine-exaggerate na ng mga bathala upang maging obvious kung gano talaga kalaki ang ulo mo figuratively! Kay tapang mong hero, pero hindi mo matulungan ang sarili mo. Nagmamaganda ka pero kita sa kaloob-looban mo ang sobra-sobrang pagpapanggap. Tama na ang sobrang pasosyal,walang naniniwala.  Sa tanda mong yan,sana mulat ka na ng matagal ng panahon.

Nasan ang sosyal na hero?Nasan ang sosyal na mansiyon? Nasan ang sosyal na asal na hindi pagdududahan. Nasiraan ka ng bait sa nakaraan bumalik ka ngayon sa katinuan,sa nalalapit na bakbakan ng bayan ay hindi malayong ipagkanulo ka at pagka-isahan ng buong bayan.

Nasan ang mabuting hero? Nasan ang kakampi ni darna? Nasan ang mabait na leon na mukhang gagambang ligaw? Nasan ang nakatutuwang kasama noon?

Isang malaking pagkakamali ang makilala ka,nakakaawa ka.Nagawa ko na ang lahat,nasabi ko na minsan sayong harap ang lahat. Tama na ang minsan,hindi parating tinuturuan ang bobo,dapat tinutulungan mo din ang sarili mo upang matuto. Sa liga ng mga Superhero, Super Pang-Azar lang ang papel mo.

No comments:

Post a Comment