Kuwento mo kagabi eh iba sa ginawa mo kanina.Huh!?
Ako na ang nagsawa.Nais kitang tulungan at ilakad ng ligaw,pero naman.Ano ba talaga ang totoong nararamdaman?Mahirap unawain minsan ang lalaki,pakiramdam ko pa yata pati ako nawawalan na rin ng gana sa tunay na pakay mo.Mahal mo ba talaga ang kaibigan ko?O isang malaking pagnanasa lamang ang lahat ng ito?
Mahal mo na siya kung mahal,nagpapaka-romantiko ka madalas.Pero nasaan ang tapang na nasa loob.Na ikinapapaso ko tuwing kakausapin mo ako.Wala!Kay tapang mong magsalita,waka ka pa namang nagagawa.Akala ko kasing tapang mo si Superman kapag umibig ka ng lubusan?
Alam ko na ang kuwento ng nakaraan,na nagkatampuhan matapos na maging matalik na magkaibigan.Pero puwedeng umusad ka na sa kasalukuyan.Ngunit pano mo nga naman uumpisahan ang diskarte sa isang kaibigan kung may nagma-may-ari na sa kanya ng tuluyan?Mahirap nga namang liparin ito ni Superman.Kasing tigas man ng bagal ang kamao niya,at nais na ipagtanggol ang kanyang sinisinta sa kasalukuyang pag-ibig niya.Naintindihan kung nagpapaka-henyo ka na lamang sa mga plano.Inilalatag sa bawat araw tuwing kausap ko.Pero,ganito ba talaga kapag nagmahal ang tao?Parang naghihintay ng kung sino..kahit pa halata namang diramdam natin ang pasakit ng ganito.Martir pala si Superman,hindi ko yan alam...
No comments:
Post a Comment