Gusto kung makita ang aking mga kaibigan,pagkat ilang taon ding kaming hindi nagkita.Pero nagdaan ang pasko at lumipas ang bagong taon ng aking bakasyon,tila yata nabawasan ang Justice Legue kahapon.
Kay sayang alalahanin ang kasaysayan ng high school life di ba?Kanya-kanya tayong grupo ng mga kaibigan,siyempre kung sino yung kasundo mo sa lahat sila yung malapit sayo.Natutu akong magpahalaga ng samahan sa mga panahong ito.Natutunan ko na ang pakikipagkaibigan ay katulad ng isang binubuong pamilya na dapat irespeto at igalang sa lahat ng oras.Na gaya ng pakikipagkapwa,kasamahan sa opisina o nakausap mo lang ng saglit sa buhay mo.Punto ay,marunong kang makisama.
Minsan na din kaming nagkatampuhan ng mga kaibigan ko noon ng matindi.Pero masayang isipin na muli pa ring nanaig ang samahan ng aming pagkakaibigan.Hanggang sa kami ay magtapos at magkahiwa-hiwalay na nga upang magpunta sa kolehiyo at magtrabao.
Mahigit anim na taon na din ang nakaraan halos o mahigit pa.Salamat sa teknolohiya at nagkakausap pa rin kami at nagkakaroon ng pagkakataong magbatian at magkuwentuhan.Hindi man sa cellphone madalas sa email o chat o di kaya ngayon sa Facebook.
Excited ako sa planong reunion,una dahil siyempre gusto kong makita ang pinagbago ng hitsura ng mga classmates ko.Agad kung naisip na,pambubuli pa rin naming magto-tropa ang kilala nila at natatandaan nila.
Sa mga thread ng messages ko sa inbox ng Facebook eh napuno ito na parang chat room sa dami ng nag-reply.Masaya at maraming nakakagulat na balita.Oo natuwa talaga ako sa totoo lang dahil ilang beses na din akong hindi naka-attend dati ng reunion at palagay ko ngayon ay makakapunta ako.
Pag-bisita ko samin,agad akong naghagilap ng classmates at katropa.Nagtawag ako ng nagtawag.Sabi ng isa,hindi pa rin daw siya nakaka-uwi pero sigurado na bago ang bespiras ng pasko.Ang isa naman ay nasa ambulansiya ng mga oras na yun dahil walang Holiday sa pagne-nurse.Okay?Ganun din ang isa,naka-duty rin pala..akala ko nasa bahay lang siya????????at si Hawk Girl ang Superhero ko di ba??????
Ganun na nga,kaya namasyal akong mag-isa at nag-ikot-ikot.Naisip ko na baka bukas o sa reunion na lang ulit kami magkikita.Isang thread muli ang pumasok sa inbox,at ng mabalikan ko ang mga palitan ng mensahe...parang itong isa kung kumare nagsabi talagang magkikita agad kami.Papanong nagkaron siya ng duty??????
Kinabukasan ay medyo makirot na ang aking puso,at tuluyang dumaloy ang dugo ng magkita kami ng not so close classmate pero salamat sa confirmation niya.
Nagkita kami sa isang coffee shop.Nagkakwentuhan tungkol sa reunion na darating,at nabanggit niya malamang ang tropa naming hindi puwedeng hindi mapag-uusapan kapag babalikan ang high school memories.Nabangit niya si Hawk Girl!Ng araw na tinawagan ko at sinabing nasa duty?Nasa mall pala siya,at hindi niya ito puwedeng ipagkamali,dahil ng magdaan ako sa Salon nila para i-double check,ng gabing yun bago ako umuwi.Confirmed na siya ang aking nakita,nakatalikod na nanood ng tv,Sinungaling si Hawk Girl!
Well sa detalye ng usapan,akala ko totoong excited ang lahat na magtagpo at muling magkita-kita.Pero lumipas ang taon kung,wala ni isa sa mga inaasahan ang aking nakita.Napuno ako ng galit at nagtampo.Kay tatapang ng JustIce Legue,pero ni isa hindi ko narinig ng ako ay magbalik.Maging ang ilan na para bang inililihim pa ang detalye ng reunion sa akin.Puwes sa tapang ninyong magsinungaling,lahat halos ay nagmamagaling.Ano bang kinakatakot sa akin?
Alam kong maayos naman kayong lahat at may mga ipagyayabang.Hanggang ngayon ata ay duwag pa rin kayong pag-usapan ang katotohanan.Na hindi na tayo bumabata,anumang bagay na natamo natin sa paglipas ng taon ay dapat lamang na ating ipagpasalamat.Sana'y huwag niyong ikahiya kung ano at anong merong buhay kayo ngayon.Maigi pang tahimik ka na lang kaysa na nagpupumilit at nagtatapang-tapangan.Nagmamayabang sa halip na inuunawa na ang lahat ay nagbabago at ang pagababago ay dapat mong tanggapin ng bukal sa loob.Hindi mo ito kailangang itago o ipag-sinungaling kahit kaninuman.Nakakatawang isipin na iba pa rin talaga ang tapang kapag magkaharap,kaysa nakatalikod o di kayay nakasulat.Maigi ng hindi tayo nakakalipad,baka hindi na talaga tayo magkakitaan,o kaya naman kay dali na lang pag may pinagtataguan.
No comments:
Post a Comment