SINO ANG NAGWAGI?

''Bakit si Ana may bagong boyfriend na naman!'',ang naaasar na tanong ni Kate aa sarili.
''Ano ang meron sa babaeng yun at lahat halos na lang ng lalaki ay nakukuha niya..marami naman siyang pempem(pimples)at hindi hamak na mas matangkad ako sa kanya.''


Pagpasok ni Kate kinaumagahan sa opisina ay halata na ang kapal ng foundation nito pinto pa lang.Parang Hinugis din na palad ang blush on niya,sa madaling sabi mukha siyang sinampal!
Nahalata yun ni Kate kaya pagkalapag ng gamit sa mesa niya ay dali-daling tiningnan ang mukha sa maliit na salamin at sinuyod ang buong sulok ng mukha niya.
Pagtayo niya ay nagulat siya ng makita ang matagal na niyang pinagpapantasyahang si Mike.

Nagulat si Kate at mas lalong namula.''uhmmm..Kate,pahiram naman ng extra pen..meron ka ba?'',ang tanong ni Mike sa kanya.Agad na nataranta syempre si Kate at iniabot ang pinakamalapit na ballpen sa kanya.''heto...hiramin mo''.
Kinuha ito ni Mike pagkatapos ay ngumiti.Pumalakpak ang mga labi ni Kate at umabot hanggang tenga ang kanyang ngiti,pero hindi niya kinaya ang mga sumunod.
Hinalikan siya ni Mike sa labi,nagulat si Kate.Pero mas nagulat siya ng ilabas ni Mike ang kanyang dila,hinwakan ang kanyang dibdib at hinubad ang kanyang blouse.
''aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!'',ang malakas na sigaw ni Kate.

Pagmulat ni Kate ng kanyang mata ay nanlalaki ang mga mata ni Mike sa kanya.
Pinagmasdan ni Kate ang sarili at ikinabigla niya ng makitang maayos ang blouse niya at parang ilusyon lang ang lahat.Ngunit ng muli niyang lingonin ang kaharap na si Mike,laking gulat niya ng naka Hubot-hubad ito sa harap niya at hawak niya ang mga damit nito.

Kinabukasan,pumasok ng opisina si Kate ng naka-saya at may belo,natatakpan ang mukha at may guwantes.

''mahirap magkumpara ng sarili sa iba,at hindi mo kailangan itong gawin.Ano ka ay ikaw at ano mang ikaw ay hindi sila.Kung magpapakatotoo ka anuman ang sabihin ng iba,hindi mo kailangang magtago o magpanggap.Hindi mo kailangang mainggit sa iba''

No comments:

Post a Comment